Dalawang kalsada sa QC inihirit na ipangalan kay Sen. Miriam Santiago

By Jan Escosio February 17, 2023 - 12:14 PM

 

Bilang pagkilala sa mga natatanging katangian, ideya at buhay ng yumaong Senator Miriam Defensor-Santiago, naghain ng panukala si Senator Alan Peter Cayetano para ipangalan sa senadora ang dalawang pangunahing kalsada sa lungsod ng Quezon.

Kasamang mga awtor sa panukala ni Cayetano sina Sens. Sonny Angara at Lito Lapid at nais nila na isunod sa pangalan ni Santiago ang Agham at BIR Roads.

Anila dapat ay tawagin ng Senator Miriam Defensor-Santiago Avenue ang dalawang lansangan sa Quezn City.

“She dedicated her life to serving the public, displaying a remarkable record of achievement in all three branches of government. She showcased exceptional leadership, love for her country, and a commitment to excellence through outstanding contributions as a respected legal luminary,” ayon kay Cayetano.

Limang dekada na nagsilbi sa ibat-ibang kapasidad si Santiago sa gobyerno – three-term senator at pinamunuan ang Department of Agrarian Reform at Bureau of Immigration.

Kinilala din siya na kauna-unahang Filipino at sa ASEAN na nahalal bilang hukom sa International Criminal Court na may siyam na taon na termino.

Sumakabilang buhay siya noong Setyembre 29 dahil sa mga komplikasyon sa lung cancer.

TAGS: miriam santiago, news, Radyo Inquirer, miriam santiago, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.