Mga produktong Tatak Pinoy nais pagyamanin ni Sen. Sonny Angara
Naging sentro sa pagdinig ng Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship ang mga produktong Tatak Filipino.
Ayon kay Senador Sonny Angara, ang namumuno sa komite, maraming panukala sa Senado na ang layon ay mapalakas ang mga maliliit na negosyo na gumagawa ng mga natatanging produktong Filipino.
Aniya ang mga panukala ay lilikha ng mga trabaho para sa ating mga kababayan.
“These solve a lot of problems with a view towards an industrial policy which not only produces quality goods but also creates quality jobs for our countrymen and perhaps in the future may reverse some of the brain drains which is a priority in certain industries,” ani Angara.
Kabilang sa mga natalakay ang Senate Bill 90 o ang Exports and Investments Development Act (EIDA) at Poverty Reduction Through Social; Entrepreneurship Act or PRESENT.
“These bills are line with the efforts to support our local industries, level up our exports, create jobs and ultimately make our economy more vibrant and competitive with the rest of the world. This is the spirit of Tatak Pinoy,” aniya.
Ayon pa kay Angara upang magawa ng mga lokal na produkto na makilala at makipagsabayan sa buong mundo kailangan ay makahanap ng mga paraan para mapagbuti pa ang kapabilidad at kalidad ng mga ito.
“We want to see them produce more complex products that will increase the value of our exports, grow our economy exponentially and provide our workforce with greater skills and higher paying jobs,” dagdag pa ng senador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.