Operasyon ng PNR mahihinto ng limang taon

By Jan Escosio February 16, 2023 - 07:30 PM

Posibleng tumagal ng limang ang tigil-operasyon ng Philippine National Railways (PNR) para sa paggawa sa  55-kilometer South Commuter Railway project na magdudugtong sa  Metro Manila hanggang Laguna.

Sa pagdinig ng House Committee on Transportation, sinabi ni Department of Transportation Undersecretary Cesar Chavez ang itatagal ng tigil-operasyon ng PNR ay depende sa bilis nang pagtatapos sa proyekto.

“Ang tingin ko mga limang taon. Pero pagkatapos ng limang taon, limang taon mula ngayon, may substantial completion na tayo. Mas maayos na at maginhawa ang sasakyan nila,”  sabi nito.

Idinahilan nito ang kaligtasan at bilis kayat kailangan na suspindihin ang operasyon ng PNR.

Nabanggit din nito na P15 bilyon ang maaring matipid kapag walang biyahe ang PNR habang ikinakasa ang proyekto.

Sabi pa ni Chavez na maaring ngayon summer ay titigil na ang biyahe ng PNR bagamat pagtitiyak niya ay maaga silang magbibigay ng abiso sa mga komyuter.

 

TAGS: dotr, laguna, Metro Manila, PNR, dotr, laguna, Metro Manila, PNR

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.