Ikinatuwa ni Pangulong Marcos Jr. ang resulta ng December survey na nagpakitang 75 porsiyento ng mga Filipino ang kuntento sa kanyang pamumuno sa bansa.
Ayon sa Pangulo, ‘very encouraging’ ang resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS) na tatlo sa bawat apat na Filipino ang nasisiyahan sa kanyang mga ginagawa. “I don’t really look at surveys kasi… But it’s always encouraging to know that naunawaan ng tao ‘yung aming ginagawa,” pahayag nito. Dagdag pa niya: “So we will just keep going and keep everybody informed kung ano’ yung aming ginagawa.” Isinagawa ang survey noong Disyembre 10-14 ng nakaraang taon.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.