Self-sufficiency sa bigas ng ‘Pinas sa 2025 – Pangulong Marcos Jr.

By Chona Yu February 16, 2023 - 10:03 AM

PCO PHOTO

Sa susunod na dalawang taon, magiging self-sufficient na sa bigas ang Pilipinas.

Ito ang paniniwala ni Pangulong Marcos Jr., matapos makipagpulong sa mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at National Irrigation Administration (NIA) sa Malakanyang. “From that discussion, we have begun to put in the timetable of what are the things that we need to do. And sa aming calculation, kung magawa natin lahat ng kailangang gawin kasi marami tayong kailangan ayusin, marami tayong ire-reorganize — pero kung magawa natin lahat ‘yan, we will be close to self-sufficiency for rice in two years,” aniya. Dagdag pa ng Punong Ehekutibo na bagamat marami ang dapat gawin ang mahalaga ay alam nila kung paano gagawin ang mga ito. Giit ng Pangulo, kailangan ang kooperasyon at koordinasyon ng ibat-ibang ahensiya sa pangunguna ng DA, NIA, Department of Public Works and Highways (DPWH) at National Economic and Development Authority (NEDA). Una nang itinatatag ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) program sa ilalim ng RA 11203 o Rice Tariffication Law para maging  paunlarin ang sektor ng pagtatanim ng palay. Hanggang noong  Disyembre 31, 2021, nasa 2.04 milyong ektarya o   65 porsiyento ng potential irrigable area mula sa 3.13 milyong ektarya ang naayos at  nasa 1.5 milyong magsasaka ang nakikinabang sa irigasyon. Samantlang, nasa 1.09 milyon ektarya o 35 porsiyenti pa ang kailangang ayusin.

TAGS: Bigas, DPWH, magsasaka, neda, NIA, rcef, Bigas, DPWH, magsasaka, neda, NIA, rcef

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.