DPWH sinopla ni Sen. Bong Revilla sa Senate hearing

By Jan Escosio February 16, 2023 - 07:41 AM

SENATE PRIB PHOTO

Sinumbatan at kinastigo ni Senator Ramon Revilla Jr., ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay sa kahandaan ng bansa sa pagtama ng malakas na lindol sa Pilipinas.

Sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Committee on Public Works, nabisto ni Revilla na hindi handa ang mga kinatawan ng DPWH para iprisinta ang infrastructure audit report na hiningi niya noon pang nakaraang taon.

“Tuwing haharap kayo sa Senado, dapat handa kayo. Alam niyo naman ano ang pag-uusapan dito pero wala kayong maisagot,” litanya ng senador.

Ito rin ang naramdaman nina Minority Leader Koko Pimentel, Sens. Bato dela Rosa, Raffy Tulfo at Francis Tolentino.

Ipinatawag ni Revilla ang pagdinig para malaman ang mga plano ng DPWH at iba pang ahensiya ng gobyerno at kahandaan ng mga imprastraktura sa bansa sa pagtama ng mga kalamidad.

Kasunod na rin ito ng pagtama ng magnitude 6.8 earthquake sa Turkieye at Syria, kung saan halos 40,000 katao na ang nasawi.

Iginiit pa ni Revilla na limang dekada na ang National Building Code at aniya maaring hindi na akma ang mga nilalaman nito sa pagkunsidera sa mga nagaganap na malalakas na lindol.

Binanggit din niya ang obserbasyon ng mga eksperto na ang pagbagsak ng mga gusali sa Turkiye ay hindi dahil sa lakas ng lindol kundi sa mga kuwestiyonableng konstruksyon na ginawa.

Sinabi pa nito ang pagsasampa ng kaso ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa mga taga-DPWH matapos madiskubre na sub-standard na materyales ang ginamit sa pagpapagawa ng tulay sa Parapad Village.

Nagbilin ang senador na babantayan niya ang mga reklamo at kaso laban sa mga taga-DPWH.

TAGS: damaged infrastructure, DPWH, earthquake, damaged infrastructure, DPWH, earthquake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.