Paghuhukay ng buhangin sa Zambales ipinatitigil ng cause oriented group

By Chona Yu February 15, 2023 - 03:46 PM

Ipinahihinto ng isang cause oriented group ang malawakang paghuhukay at paghahakot ng buhangin sa Bucao River na na pangunahing aluyan ng tubig sa Munisipyo ng Botolan, Zambales at ilang karatig na komunidad.

Ayon sa Anti-Trapo Movement of the Philippines (ATMP), nararapat lamang na matigil ang aktibidad na ito upang maprotektahan ang komunidad at ang ecosystem.

Dahil dito, naghain ng letter-complaint ang grupo sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno laban sa mga quarry operators at mga kasabwat nito sa illegal sand extraction sa Bucao River.

Inihain ni ATM founding chairman Leon Peralta ang complaint letter sa mga tanggapan nina DILG Sec. Benhur Abalos,  DENR Sec. Ma. Antonio Yulo-Loyzaga, Ombudsman Samuel Martires, National Bureau of Investigation Dir. Medardo de Lemos, at Philippine Coast Guard commandant Adm. Artemio Abu.

Kabilang naman sa mga kumpanyang sinampahan ng kaso ang China Harbor Engineering Corp. (CHEC), Global Sands Inc., Seven West Inc., Magnacorp Realty Development Corp., at Harley Construction.

Ayon kay Peralta, laman ng kanilang reklamo ang paglabag sa Section 103 ng Republic Act 7982 o mas kilala bilang Philippine Mining Act of1995 at may kaugnayan ss Joint Memorandum Circular No. 1, Series of 2019.

Inaakusahan ni Peralta ang respondents ng illegal extraction, removal, at disposal ng state-owned minerals gaya ng buhangin.

May kaugnayan aniya ito sa isinasagawang dredging o quarrying activities sa Bucao River nang walang kaukulang permit mula sa lokal na pamahalaan

Dagdag ni Peralta, kinomisyon umano ng CHEC ang nasa sampung cargo vessels upang dalhin ang mga nakuhang buhangin Maynila, na gagamitin para sa nagpapatuloy na reclamation project sa Manila Bay.

TAGS: atm, news, Radyo Inquirer, atm, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.