Labor inspections muling ikakasa ng DOLE

By Jan Escosio February 15, 2023 - 10:25 AM

Sinimulan muli ng  Department of Labor and Employment (DOLE) ang pag-inspeksyon  sa mga pribadong establisimyento.

Kasunod ito nang pagpapalabas ni Labor Sec. Bienvenido Laguesma ng Administrative Order No. 31-2023 na nagpapahintulot sa mga kawani ng DOLE na magsagawa ng labor inspection simula noong Pebrero 1.

Magugunita na sinuspinde ng kagawaran ang labor inspection noong nakalaipas na Disyembre para matutukan ang pag-aasikaso sa mga nakabinbing labor cases sa buong bansa.

Sa bagong administrative order, magiging aktibo ang mga grupo ng inspektor ng kagawaran, kabilang ang mga labor inspectors (LIs), labor inspection auditor (LIA), technical safety inspector (TSI), hearing officer (HO), at sheriff.

Pinahinintulutan ni Laguesma ang mga regional director na mag-isyu ng ‘authorization’ sa kanilang mga labor inspector.

Tatagal hanggang Disyembre 31, ngayon taon ang labor inspection ng DOLE sa mga pribadong establisyimento.

TAGS: DOLE, labor inspectors, DOLE, labor inspectors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.