Panunutok ng China ng military grade laser sa PCG, dalawang beses na

By Chona Yu February 14, 2023 - 05:02 PM

 

Hindi ito ang unang beses na tinutukan ng military grade laser ng Chinese Coast Guard ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa Ayungin Shoal.

Ayon kay PCG Adviser of the Commandant for Maritime Security Commodore Jay Tarriela, tinutukan na ng laser ang kanilang hanay noong Hunyo ng nakaraang taon.

Naulit aniya ang naturang insidennte noong Pebrero 6, 2023.

Ayon kay Tarriela, ilang segundo na pansamantalang nabulag ang mga tauhan ng PCG nang tutukan ng military grade na laser.

Nakaranas din aniya ang PCG personnel ng pangangati ng balat.

“This is already the second time. The first time that we experienced laser-pointing of the Chinese Coast Guard was June last year when the BRP Habagat – ito ay isang tugboat, Coast Guard tugboat ay tumutulong din sa pagku-conduct ng RoRe mission ay natutukan, na-expose dito for almost 20 minutes. Kaya lang ang difference is that blue lights ito na ginamit – ngayon ang ginamit nila is green – where in fact ang nangyari pa noon, noong na-expose iyong Coast Guard dito ay nagkaroon sila ng temporary blindness din at skin itchiness – iyong pangangati ng balat,” pahayag ni Tarriela.

Bukod sa pagiging agresibo, nababahala rin ang PCG sa ginagawa ng China na shadowing at pag maneuver kung saan nalalagay sa peligro ang buhay ng mga tauhan ng PCG.

Sabi ni Tarriela, nakaalarma rin ang paggamit ng China sa Chinese maritime militia sa West Philippine Sea.

“At nag-iipon-ipon sila doon and they are creating swarming of this maritime militia – at they go by almost hundreds ‘no, even more than 150. So ito ang isang most significant observation that we also take note ‘no at [unclear] data sa National Task Force West Philippine Sea every time na mayroong large number of maritime militia na nag-uumpukan ‘no sa isang maritime area sa West Philippine Sea,” pahayag ni Tarriela.

Tiniyak naman ni Tarriela na hindi pababayaan ng PCG ang kalusugan ng mga personnel na nakaranas ng harassment.

Suportado aniya ni PCG Admiral Artemio Abu ang whole-of-nation approach ng gobyerno.

Binigyan na aniya ng PCG ang Department of Foreign Affairs ng mga dokumento at video para maging ebidensya sa paghahain ng diplomatic protest.

Malinaw naman aniya na saklaw ng exclusive economic zone ng Pilipinas ang Ayungin Shoal kung saan nangyari ang panunutok ng military grade na laser ng China sa PCG.

Kaya may karapatan aniya ang PCG na magpatrolya at siguraduhin na ang BRP Sierra Madre na nagbabantay sa lugar ay ligtas at mahahatiran ng pagkain at iba pang pangangailangan ang mga sundalo na nagbabantay roon.

Pagtitiyak ni Tarriela, hindi aatras ang PCG kahit na maulit pa ang panunutok ng China.

“It is important for us to underline this – na ang Coast Guard ay hindi umatras sa laser-pointing incident na ito. And then secondly, sa mga pagkakataon na mauulit ito, ang Philippine Coast Guard will still have this commitment na ang Coast Guard, regardless of this danger will still be patrolling our waters in the West Philippine Sea,” pahayag ni Tarriela.

“But of course as what the Commandant has mentioned, ito po ay hindi nararapat na ginagawa ngayon sa West Philippine Sea. This is uncalled for, and this is not in accordance with our DOC of 2002,” dagdag ni Tarriela.

 

 

TAGS: ayungin shoal, chinese, news, PCG, Radyo Inquirer, ayungin shoal, chinese, news, PCG, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.