Nagkausap na sa telepono sina Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Base sa Twitter account ni Zelensky, nagpapasalamat ang Ukrainian President kay Pangulong Marcos dahil sa pagsuporta sa sovereignty at territorial integrity ng Ukraine.
Pinag-usapan din ng dalawang lider ang pagpapalalim pa ng kooperasyon.
“Had the first phone call in the history of bilateral relations with President of the Philippines @bongbongmarcos. Thanked him for supporting the sovereignty & territorial integrity of Ukraine. We discussed further deepening of cooperation, in particular on international platforms,” pahayag ni Zelensky sa kanyang Twitter account.
Wala pa namang tugon ang Palasyo ng Malakanyang sa pahayag ni Zelensky.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.