Tokyo, Japan—Aabot sa $600 milyong investment sa imprastraktura ang isa sa mga naging bunga sa sa limang araw na working visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Japan.
Ito ay matapos magkasundo ang Filipino business tycoon na si Manny V. Pangilinan at major Japanese investor na Mitsui & Co. na mamuhunan sa sektor ng imprastraktura.
“We signed an agreement with Mitsui and several parties and management to commit to invest $600 million in the infrastructure,” pahayag ni Pangilinan.
Bukod sa imprastraktura, interesado rin ang Mitsui & Co., sa agrikultura at renewable energy.
Pinuri pa ng Mitsui si Pangulong Marcos dahil sa “strong leadership” sa pagtataguyod sa ekonomiya ng bansa.
Sabi ng Mitsui, patuloy silang magsasaliksik ng iba pang negosyo na maaring makatuwang ang Pilipinas kabilang na ang sa agrikultura, renewable energy at digital transformation.
Nagpasalamat ang Pangulo sa Japanese businessmen dahil sa tulong para mapalakas ang ekonomiya ng bansa.
“We can point to so many of the developments that happened in the Philippines with the assistance of the different Japanese funding agencies and government-to-government arrangements, the commercial arrangements — and these have been to the benefit of both our countries,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“And it is a particularly auspicious time that we come again now simply because we have to now restart our own economies, we have to transform our economies, and again the partnerships I think that we have developed with our friends here in Japan, with Mitsui in particular… we will have to revitalize them as they have been dormant, to a degree, during the lockdowns of the pandemic,” dagdag ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.