P1.7M halaga ng shabu isiniksik sa telepono galing France
Nasabat ng mga ahente ng Bureao of Customs – Port of NAIA ang higit P1.74 milyong halaga ng shabu.
Sa ulat, isiniksik sa isang antigong telepono ang 255 gramo ng shabu, bago inilagay sa isang parcel sa pamamagitan ng DHL.
Nabatid na dumating sa Pilipinas ang parcel noong Enero 30 at nakumpirma na sa lab test ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na shabu ang nadiskubre puting ‘crystalline substance.’
Inaresto din agad ang tumanggap ng parcel sa ikinasang controlled delivery operation sa Makati City.
Sasampahan ng mga kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act at Customs Modernization Act at hindi na kinilalang inarestong indibiduwal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.