De Lima muling ihihirit ang piyansa sa drug case
Susubukan muli ng kampo ni dating Senator Leila de Lima na payagan ito ng korte na makapag-piyansa matapos tapusin na ang testimoniya ng isa sa mga pangunahing testigo ng prosekusyon laban sa kanya.
Ayon kay lawyer Boni Tacardon, abogado ni de Lima, maghahain sila ng supplemental motion for bail ngayon buwan.
Sinabi nito na napakahalaga ng ginawang pagbawi ni dating NBi Deputy Dir. Rafael Ragos sa una nitong salaysay.
“Lagi naman naming sinasabi,’ yung katotohanan, lalabas at lalabas sa dulo at mukhang dulo na ‘yun heto na,” diin ni Tacardon.
Sa presensiya ni de Lima sa korte, pinanindigan ni Ragos ang pagbawi niya sa kanyang mga naunang testimoniya laban kay de Lima.
“Ngayong ito ay nabawi na at kung ito ay paniniwalaan ng ating hukuman, eh sa palagay ng defense team ay wala ng ebidensya. At sana tuluy-tuloy na rin at mabigyan muna ng pansamantalang laya si Sen. Leila de Lima sa kasong ito habang naghahanda naman kami sa susunod naming hakbang, ‘yun nga pagpapa-dismiss tuluyan ng kasong ito,” sabi pa ng abogado matapos ang pagdinig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.