Japanese Emperor Naruhito at Empress Masako pinabibisita sa Pilipinas
Tokyo, Japan—Inimbitahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sina Japanese Emperor Naruhito at Empress Masako na bumisita sa Pilipinas.
Sa Royal Audience, ipinaabot ng Pangulo sa Emperor at Empress ang pagmamahal at paghanga ng mga Filipino lalo na ang 300,000 na Filipino na naninirahan sa Japan.
Malugod na tinanggap noon ng Imperial Couple ang mga magulang ni Pangulong Marcos na sina dating Pangulong Ferdinand Marcos at dating First Lady Imelda Marcos nang bumisita sa Japan noong 1996.
Nasa Japan ngayon ang Pangulo para sa limang araw na working visit.
Layunin ng pagbisita ng Pangulo na lagdaan ang pitong kasunduan na may kaugnayan sa humanitarian assistance at disaster relief, infrastructure, agriculture at digital cooperation.
Nakakuha rin ang Pangulo ng 10,000 trabaho mula sa Japanese semiconductor firm.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.