Maari nang magsumite ngayon ang local government units (LGUs) ng project proposals para ma-access ang People’s Survival Fund (PSF).
Ito ang grant facility ng pamahalaan sa LGUs par maipatupad ang local climate change adaptation initiatives.
Ayon sa pahayag ng Climate Change Commission, naglabas na ng panukala ang Department of Finance na tumatayong chairman ng PSF Board, para maiangkla at makamit ang target na advancing local resilience.
Para makakuha ng pondo sa PSF, pinapayuhan ang LGUs na magsumite ng documentary requirements gaya ng Letter of Intent; Accomplished Project Proposal Template; Adaptation references such as Climate Risk and Vulnerability Assessments, CCA-DRR-Enhanced Comprehensive Land Use/ Development Plans, and Local Climate Change Action Plan; at Annual Investment Plan.
Maaring isumite ang aplikasyon sa PSF Board Secretariat sa DOF.
Matatapos ang Call for Proposals sa Marso 31, 2023.
Inilunsad ang PSF noong 2015 na naglalayong magkaroon ng long-stream finance para sa adaptation projects ng LGUs.
Sa ilalim ng Republic Act 10174 of 2012, pangangasiwaan ang PSF ng Board kung saan ang kalihim ng DOF ang magsisilbing board habang magsisilbing miyembro ang Climate Change Commission PH, Department of Budget and Management, National Economic and Development Authority, Department of the Interior and Local Government, Philippine Commission on Women, at sectoral representatives.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.