Aplikasyon ng OFWs sa Kuwait, tigil muna

By Chona Yu February 09, 2023 - 05:57 AM

 

Pansamantalang itinigil ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagpo-proseso ng aplikasyon ng mga first-time Filipino domestic helpers na patungo ng Kuwait.

Ginawa ito ng DMW matapos ang karumal-dumal na sinapit ng overseas Filipino worker na si Jullebee Ranara sa kamay ng kanyang anak na Kuwaiti na employer.

Ayon kay DMW Secretary Susan Ople, tigil muna ang pagpo-proseso ng aplikasyon hangga’t walang magandang resulta ang bilateral talks sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.

Kinakailangan aniyang maghintay muna ng mga nagnanais na ppumasok na kasambahay sa Kuwait dahil kailangan na matiyak na may maayos na monitoring at mabilis na response system.

Nilinaw naman ni Ople na hindi ipatutupad ng DMW ang total deployment ban ng mga OFW sa Kuwait.

 

 

TAGS: Deployment, DMW, news, ofw, Radyo Inquirer, Deployment, DMW, news, ofw, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.