Alma Concepcion, bumuwelta sa birada ng netizens ukol sa pagtestigo niya sa Pasay rave concert
Nilinaw ng aktres na si Alma Concepcion na hindi siya nagpapasikat sa paglantad niya sa National Bureau of Investigation upang ihayag ang kanyang nasaksihan noong araw kung saan naganap ang malagim na rave concert sa Pasay City na ikinamatay ng limang tao.
Sagot ito ng aktres sa pagkuwestiyon ng ilang netizens sa kanyang motibo sa pagtestigo sa rave concert, kung saan siya ay kinunan ng panayam ng ilang mga miyembro ng media.
Hindi naman daw kasi niya inaasahan na iko-kober iyon ng media, maliban dito ay layunin lamang niya na tumulong sa pamilya ng mga biktima na naghahanap ng hustisya.
Sinagot rin ni Alma ang mga mapanghusgang pahayag na kumukuwestiyon sa kaniyang pagiging emosyonal habang nagbibigay ng sinumpaang salaysay sa NBI.
Dagdag pa ng aktres, hindi niya kailanman ninais ni Alma na sumikat dahil sa pagsisilbi niyang saksi sa naganap na trahedya at masaya na raw siya bilang isang private citizen, licensed professional, at hands-on mom.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.