Pilipinas magpapadala ng earthquake relief team sa Turkey

By Chona Yu February 07, 2023 - 07:25 PM

CONTRIBUTED PHOTO

Magpapadala ng tulong si Pangulong Marcos Jr. sa mga biktima ng magnitude 7.8 earthquake na yumanig sa Turkey at Syria.

Ayon sa Pangulo, mayroon nang binuo na 85-man team ang pamahalaan na tutulak ng Turkey.

Kinabibilangan ito ng mga engineers, na tutulong sa pag-inspeksyon ng mga gusali lalo’t patuloy pa ang nararanasang mga aftershock, at health workers, na  aalalay sa mga nasaktan sa sakuna.

Sabi ng Pangulo, isasabay sa pag-alis ng grupo ang mga gamit na kailangan ng mga biktima ng lindol gaya ng mga kumot at damit.

Nangako na angTurkish Airways na sila ang maghahatid sa Philippine contigent  gayundin sa mga kagamitan at tulong na bitbit ng mga ito.

Bukas ng gabi inaasahang bibiyahe ang grupo patungong Ankara, Turkey.

TAGS: earthquake, engineers, medical team, relief, Turkey, earthquake, engineers, medical team, relief, Turkey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.