Bilang ng tinatamaan ng COVID 19 bumababa – DOH
Patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga nahahawa ng COVID 19 sa bansa, ayon sa Departnent of Health (DOH).
Sa inilabas na bulletin ng kagawaran ngayon araw, nakapagtala ng 1,012 bagong COVID 19 cases mula Enero 30 hanggang Pebrero 5.
Ito ay nagpakita ng 145 average daily cases na mababa ng 16 porsiyento kumpara sa naitala sa sinundan na linggo.
Wala rin sa mga bagong kaso ang napaulat na kritikal ang kondisyon bagamat nananatili sa ospital ang 388 pasyente dahil kritikal ang kalagayan.
May 9,378 active infections at siyam na porsiyento sa mga ito ang kritikal ang kondisyon.
Hanggang kahapon, 4,073,827 na ang tinaman ng COVID 19 sa bansa, halos apat na milyon ang gumaling at 65,851 ang namatay kasama na ang naitalang bagong 85.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.