Defense chief sinabing walang dapat ikabahala  sa dagdag na EDCA sites 

By Jan Escosio February 06, 2023 - 05:30 AM

DND PHOTO

Walang dapat ikabahala sa karagdagang lugar na masasakop ng Philippines – US Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Ito ang mensahe ni Defense officer-in-charge Carlito Galvez Jr., kaugnay sa mga nagpahayag ng pagka-alarma sa naging bunga ng pagbisita sa bansa ni US Defense Sec. Lloyd Austin.

Paliwanag nito, ang pagpapatupad ng EDCA ay may layon lang na palakasin ang kapabiidad ng AFP para maprotektahan ang teritoryo ng bansa at mas epektibong makatugon sa emergencies.

“Thus, these EDCA sites should not be a cause for concern for anyone since it could also spur economic investments, joint protection and preservation of our maritime and natural resources,” punto ng opisyal.

Sa ilalim ng kasunduan, pinapayagan ang US na magtayo ng kanilang mga pansamantalang pasilidad sa bansa para sa kanilang puwersang-militar.

Ayon naman sa AFP ang mga pasilidad ay pangangasiwaan ng Pilipinas at US at ibibigay ang mga ito sa Pilipinas pagkatapos gamitin.

TAGS: AFP, EDCA, military, US, AFP, EDCA, military, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.