Pamilya ng pinatay na OFW na si Jullebee Ranara, bibigyan ng pabahay ng NHA
Bibigyan ng pabahay ng National housing Authority ang nauililang pamilya ni Jullebee Ranara, ang overseas Filipino worker na pinatay sa Kuwait.
Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, tugon ito ng kanilang hanay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bigyan ng tulong ang pamilya ni Ranara.
Taos puso aniyang nakikiramay ang NHA sa pamilya ni Ranara.
Binista ni NHA Officer-in-Cgarge Assistant General Manager Ibañez, kasama si NCR-North Sector Regional Manager Ar. Luis Bacamante ang burol ni Ranara sa Las Piñas City.
Tiniyak ng NHA sa pamilya ng yumaong OFW na magkakaloob ang kanilang hanay ng tulong pabahay sa kung saan mang nais nilang lugar.
Pinatay at ginahasa ang 35 anyo na si Ranara ng anak ng kanyang employer sa Kuwait.
Nagpasalamat naman ang ama ni Ranara na si Romy sa tulong ng NHA.
“Maraming-maraming salamat kasi malaking tulong po na ibibigay, kasi ‘pag pinaalis kami dito, wala kaming mapupuntahan,” pahayag ni Romy Ranara.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.