Panukala para sa tamang nutrisyon ng senior citizens inihain sa Kamara

By Jan Escosio February 03, 2023 - 03:44 PM

 

Naghain ng panukala si Senior Citizen Partylist Rodolfo ‘Ompong’ Ordanes para matiyak ang tamang pagpapatupad ng taunang nutrition program sa mga senior citizens.

Sa kanyang House Bill 7064, sinabi ni Ordanes na hindi dapat mahirapan ang Department of Health (DOH) at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pagkasa ng programa.

Umaasa siya na magbabahagi ang dalawang kagawaran ng mga probisyon sa implementing rules and regulations (IRR) sakaling maging ganap na batas ang kanyang panukala.

Ayon kay Ordanes dapat sa IRR ay kasama ang senior citizens desk, doktor, nurses, nutritionists, barangay health workers, barangay health centers bilang mga tagapagpatupad.

Katuwiran niya ang mga Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) ng mga lokal na pamahalaan ay walang field personnel para sa buwanang monitoring reports at pagbisita sa senior citizens.

Sinabi pa ng mambabatas na ang gagastusin sa programa ay maaring hugutin sa pambansa o lokal na pondo at dapat ito ay ituring na para sa pampublikong kalusugan.

Si Sen. Francis Tolentino ay may katulad na panukala na inihain sa Senado.

TAGS: news, Ompong, Radyo Inquirer, senior citizen, news, Ompong, Radyo Inquirer, senior citizen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.