Panibagong price adjustments sa produktong petrolyo, aasahan sa mga susunod na araw
Panibagong price adjustments sa mga produktong petrolyo ang nakatakdang ipatupad ng mga kumpanya ng langis sa mga darating na araw.
Batay sa impormasyon mula sa energy sector, nasa 25 hanggang 35 centavos ang dagdag-presyo sa kada litro ng diesel.
Sa produktong kerosene, tinatayang nasa 10 hanggang 20 centavos ang price hike sa bawat litro nito.
Inaasahan namang bababa sa 15 hanggang 25 centavos ang kada litro ng gasolina.
Sa mga oras na ito, hinihintay pa ang pormal na anunsyo ng mga oil company hinggil sa price movements.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.