Pilipinas, mahaharap sa U.N. sanction dahil sa pagbuhay sa death penalty ni President-elect Duterte
Posibleng patawan ng United Nations o U.N. ng sanction ang Pilipinas kapag binuhay ang death penalty.
Ito ang babala ni outgoing Justice Secretary Emmanuel Caparas, sa gitna ng plano ni President-elect Rodrigo Duterte na muling ipatupad ang parusang kamatayan sa bansa, bilang bahagi ng kampanya nito laban sa ilegal na droga, kriminalidad at kurapsyon.
Ayon kay Caparas, may international obligation at commitments ang Pilipinas sa sumunod sa kasunduaang itinakda ng U.N.
Kung mabibigo aniya ang Pilipinas na sundin ang mga ito, mapapatawan ang ating bansa ng sanction mula sa international community.
Kaya payo ni Caparas kay Duterte, pag-aralang mabuti ang balaking buhayin ang death penalty, lalo’t ang anumang aksyon nito ay may epekto sa buong bansa.
Nauna nang sinabi ni Duterte na ang parusang kamataya, sa pamamagitan ang pagbigti, ang gusto niyang maipatupad sa kanyang administrasyon.
Kabilang din ang panukalang death penalty sa legislative agendas na mamadaliin sa Kongreso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.