74 pamilyang biktima ng sunog sa QC binigyan ng ayuda
By Chona Yu February 02, 2023 - 10:00 AM
Nakatanggap ng tulong-pinansiyal ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang 74 pamilyang nasunugan sa Barangay Roxas at Batasan Hills.
Kasama ang Social Services Development Department at konseho ng Barangay Roxas ang nagbigay ng ayuda sa distribusyon ng ayuda.
Bawat pamilya ay nakatanggap ng P10,000, habang P5,000 para sa mga umuupa.
Ayon kay Belmonte, bukod sa pinansyal na ayuda, binigyan din ang mga biktima ng food pack at material assistance mula sa barangay at lokal na pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.