Tuloy ang pagtanggap ng COVID-19 allowances ng mga health workers kahit napaso na ang state of calamity sa bansa, pagtitiyak ni Pangulong Marcos Jr.
“Tuloy-tuloy ‘yan… Yung inaalala ko dati na hindi matutuloy ang compensation para sa ating health workers, ‘yung mga health workers, ‘yung allowance nila ay pinag-aralan namin nang mabuti kahit hindi itinutuloy ang state of calamity ay hindi maapektuhan ang pagbayad doon sa ating mga health workers ng kanilang mga benefits,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Una nang nilagdaaan ni dating Pangulong Duterte ang Proclamation No. 929 noong Marso 2020 na nagdedeklara ng state of calamity sa buong bansa.
Anim na buwan lamang ang state of calamity subalit pinalawig pa ito ng ilang beses ito at natapos noong nakaraang Disyembre 31.
“Pababa naman nang pababa ang ating cases, pababa nang pababa naman ang ating hospitalization, ‘yun ang binabantayan natin. So titingnan natin,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“Hindi na kailangan kagaya ng 2021 na lagi tayong nagmamadali makakuha ng vaccine dahil pabawas na ‘yung risk, so dapat naman eh mag-adjust din tayo doon sa kung ano ba talaga ang scientific na assessment doon sa sitwasyon ng COVID,” dagdag ng Pangulo.
Una nang dinabi ng Department of Health (DOH) na patuloy ang pagbabago ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.