Apat na miyembro ng PNP Advisory Group kinilala ni Abalos
Pinangalanan na ni Interior Secretary Benhur Abalos ang apat sa na kabilang sa five-man advisory group na bubusisi sa courtesy resignations ng mga third-level officers ng Philippine National Police (PNP) na nagsumite ng kanilang courtesy resignations.
Hindi naman kinilala ang pang-limang miyembro na bubuo sa five-man advisory group.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Abalos na ito ay sina Baguio City Mayor bBenjamin Magalong, PNP Chief Rodolfo Azurin Jr, dating Defense Sec. Gilbert Teodoro at Usec. Isagani Neres ng Office of the Presidential Adviser on Military Affairs.
Una nang umapila si Abalos sa mga matataas na opisyal ng PNP na maghain ng courtesy resignation para bigyang daan ang ginagawang imbestigasyon sa mga sangkot sa illegal na droga.
Kahapon ang huling araw nang pagsusumite ng courtesy resignation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.