Weekly average ng bagong COVID 19 cases bumaba ng 36% – DOH
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,206 bagong COVID 19 cases sa bansa mula Enero 23 hanggang 29.
Base sa inilabas na bagong impormasyon ng DOH, ang average na bilang ng mga kaso kada araw ngayon ay 172 at ito ay mababa ng 36 porsiyento kumpara sa naitala noong Enero 16 hanggang 22.
Sa mga naitalang bagong kaso, isa ang nasa kritikal na kondisyon.
Naberipika din ang kagawaran na karagdagang 74 namatay at anim sa kanila ay noong Enero 16 hanggang 29.
Sa kasalukuyan may ginagamot na 456 na ‘severe and critical cases’ na 9.5 porsiyento ng kabuuang bilang ng mga nasa ospital.
May 9,982 active cases ngayon sa bansa, sabi pa ng DOH.
Hanggang kahapon, umaabot na sa 4,072,911 ang naitalang kaso ng COVID 19 sa bansa, 3,997,162 ang gumaling, samantalang 65,767 naman ang sumakabilang-buhay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.