Mandatory ROTC utay-utay na maikakasa sa limang taon
Hindi agad-agad maikakasa ang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program kapag naisabatas na ito.
Ito ang sinabi ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr., dahil ang gagawin ay ‘phased approach.’
“The projected timeline from enactment of the law to initial implementation is 2-3 years, while full implementation can be done in 5 years,” sabi ng kalihim.
Pagbabahagi pa ni Galvez may anim na bahagi ang pagpapatupad ng mandatory ROTC program – preparation, pilot programs at simulation sa volunteered schools, expansion sa ibat-ibang rehiyon, progressive implementation, evaluation at fine-tuning, at ang full implementation sa lahat ng mga paaralan.
Sinabi nito na naibahagi na nila ito, katuwang ang AFP, sa Commission on Higher Education (CHEd) at iba pang kinauukulang ahensiya.
Una na ito nabanggit ni Defense Usec. Franco Gacal sa pagdinig sa Senado noong Miyerkules na mangangailangan ng 9,000 hanggang 10,000 sundalo para masanay ang mga estudyante sa 2,400 unibersidad at kolehiyo sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.