Malalaking grupo ng mga negosyante inalmahan ang AO 04-2021 ng Philippine Ports Authority
Nagsamasama ang malalaking grupo ng mga negosyante sa pagpapahayag ng kanilang pagtutol sa Administraive Order 04-2021 ng Philippine Ports Authority (PPA).
Tinutulan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry(PCCI), Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCI), Philippine Exporters Confederation (PHILEXPORT), Supply Chain Management Association of the Philippines (SCMAP), Philippine Association of Meat Processors, Inc. (PAMPI), Philippine Multimodal Transport and Logistics Association, Inc. (PMTLAI), Alliance of Concerned Truck Owners and Organizations (ACTOO), Alliance of Container Yard Operators of the Philippines (AYCOP), Association of International Shipping Lines, Inc. (AISL), at Association of Off-Dock CFS Operators of the Philippines, Inc. (ACOP).
Gayundin ng Customs Brokers Federation of the Philippines(CBFP), Pasig Port Users United, Philippine Liner Shipping Association (PLSA), Philippine Ship Agents Association (PSAA), Port Users Confederation of the Philippines, Inc. (PUCP), Practicing Customs Brokers Association of the Philippines (PCBAPI) at United Portusers Confederation of the Philippines, Inc. (UPC).
Kasabay nito, sumulat na rin sila kay Pangulong Marcos Jr., para pigilan ang PPA sa pagpapatupad ng naturang kautusan.
Gayundin, umapila sila sa mga senador at kongresista na imbestigahan ang sinasabi nilang maanomalyang pagpapalabas ng AO 04-2021 at hinikayat din ang PPA na bawiin ito.
Ayon kay PCCI President George Barcelon, patataasin ng AO 04-2021 ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
“Our estimates indicate that the direct financial cost alone from the additional insurance fees, transaction feees and trucking feees required by TOP-CRMS / ECSSSF ay halos 50% increase in the cost of importing goods,” ayon sa pahayag ng mga grupo.
Kontra din sila sa pahayag ng PPA na ang naturang kautusan ay makakatulong sa isyu ng smuggling sa bansa, gayundin sa problema sa port congestion.
Nangangamba ang mga negosyante na kapag naipatupad ang kontrobersyal na kautusan ay mauulit ang nangyaring port congestion fiasco noong 2014.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.