‘Crackdown’ sa fake ride-hailing app drivers inihirit ni Sen. Grace Poe

By Jan Escosio January 27, 2023 - 09:57 AM

Senate PRIB photo

 

Nanawagan si Senator Grace Poe sa mga kinauukulang ahensiya na supilin ang modus ng mga pekeng ride-hailing app drivers sa pagpapanggap na sila ang na-booked ng pasahero.

Ayon kay Poe maaring maging biktima ng mataas na singil ang pasahero at hindi na makakatanggi kapag nakasakay na.

Ngunit ang mas ikinababahala ng senadora ang ay kaligtasan at seguridad ng mga komyuter dahil maaring ang modus ay paraan para maisagawa ang mas seryosong krimen.

The vigilance of our people must be matched with quick action from the police, Land Transportation Franchising and Regulatory Board and other concerned agencies in putting in place measures to counter this illegal modus,” ayon pa kay Poe.

Nanawagan din ito sa mga lehitimong kompaniya ng ride-hailing app na makipag-ugnayan sa mga awtoridad para malinis ang kanilang hanay ng mga pekeng driver.

Jan.Radyo

TAGS: fake, grace poe, news, Radyo Inquirer, ride hailing app, fake, grace poe, news, Radyo Inquirer, ride hailing app

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.