Mental health program, seguridad sa mga estudyante palalakasin ng DepEd

By Jan Escosio January 27, 2023 - 09:55 AM

Bunga ng sunod-sunod na karahasan sa mga eskuwelahan, inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) na palalakasin pa ang mental health program, gayundin ang seguridad ng mga estudyante.

Sa pahayag ng kagawaran, sinabi na kukuhanin ang serbisyo ng mga mental health experts para bumalangkas ng programa.

“We acknowledge the recent incidents involving violence in schools. We can see from the circumstances surrounding such incidents that they are related to mental health issues,” ang pahayag ng DepEd.

Nabatid na ipinag-utos na rin ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte sa kanyang regional directors na makipag-ugnayan sa mga awtoridad para tukuyin ang mga eskuwelahan na kailangan ng ‘security check’ sa mga mag-aaral.

Sa San Jose del Monte, Bulacan aksidenteng nabaril ng isang 12-anyos ang sarili sa palikuran ng kanilang eskuwelahan nang mailusot nito ang service firearm ng kanyang amang pulis.

Sa Quezon City noong nakaraang linggo, napatay ng kanyang kaeskuwela ang isang 13-anyos na estudyante.

Noong nakaraang araw, isang 19-anyos naman ang napa-ulat na nag-suicide sa isang pribadong paaralan sa Caloocan City.

TAGS: deped, Mental Health, news, Radyo Inquirer, Students, deped, Mental Health, news, Radyo Inquirer, Students

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.