PBBM Jr., itinuro sa makasaysayang 2022 economic growth

By Chona Yu January 26, 2023 - 03:19 PM

Naniniwala ang Malakanyang na ang magandang economic stewardship ni Pangulong Marcos Jr. ang dahilan ng paglago ng ekonomiya ng bansa.

Pahayag ito ng Palasyo matapos iulat ng Philippine Statisstics Authority (PSA) na pumalo sa 7.6 percent ang full-year growth ng ekonomiya ng bansa.

Ito na ang pinakamataas na paglago ng ekonomiya sa nakalipas na 46 taon kung saan huling naitala ang 8.8 percent growth noong 1976.

Ayon sa Palasyo, nagbunga ang magandang pamamalakad sa gobyerno ng Pangulo.

Nabatid na pumalo sa 7.2 percent ang gross domestic product (GDP) ng bansa sa huling quarter ng  2022 dahilan kung kaya umakyat sa 7.6 percent ang full-year growth.

Ayon sa PSA, ang wholesale at retail trade, repair ng motor vehicles at motorcycles; financial and insurance activities, at ang malakas na manufacturing ang dahilan ng paglago nng ekonomiya ng bansa.

Nagkaroon din ng kontribusyon ang services sector sa paglakas ng ekonomiya.

TAGS: economic growth, gdp, psa, economic growth, gdp, psa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.