Mga hayop puwede na sa LRT 2 simula Pebrero 1

By Chona Yu January 26, 2023 - 03:13 PM

Simula sa Pebrero 1, maaring nang isakay sa Light rail Transit Line 2 ang mga alagang hayop, sabi ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Hernando Cabrera.

Nais aniya nila na maging ‘pet friendly’ ang LRT Line 2.

Pero paglilinaw ni Cabrera, ang mga maliliit na hayop lamang ang maaaring isakay sa tren at may mga polisiya silang ipapatupad.

Aniya dapat ay fully vaccinated ang mga hayop, nakalagay sa kulungan, bukod sa dapat ay malinis at nakasuot ng diaper.

Puspusan aniya ang kanilang hanay sa pagsasapinal sa mga polisiya para maging maayos ang implementasyon sa unang araw ng Pebrero.

Kasabay nito, tiniyak ni Cabrera na idadaan muna sa public consultation ang hirit na pagtataas sa pasahe sa LRT Line 2.

Makaasa aniya ang taumbayan na didinggin muna ng kanilang hanay ang hinaing ng mga ito.

Base sa panukala, dadagdagan ng P2.29 ang boarding fare  at P0.21 namana sa kada kilometro o distance fare.

Ayon kay Cabrera, unti-unti nang bumabalik ngayon sa normal ang dami ng mga pasahero.

Kung noong pandemya sa COVID 19, ay nasa 10,000 pasahero lamang ang sumasakay sa LRT Line 2 kada araw, ngayon ay nasa 155,000 na kada araw.

Malapit na aniyang mapantayan ang 180,000 hanggang 200,000 na bilang ng mga pasahero na sumasakay kada araw bago ang pandemya.

TAGS: fare hike, LRT 2, pet, fare hike, LRT 2, pet

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.