Programa para sa pag-angat ng sibuyas farmers pinabubuo ni Pangulong Marcos Jr.

By Chona Yu January 25, 2023 - 11:53 AM

Bumubuo na ng programa ang pamahalaan na maglalayong matulungan ang mga nagtataning ng sibuyas at  mapadami ang kanilang produksyon para magkaroon ng sapat na suplay sa mga pamilihan.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., kasama sa plano ng gobyerno ang pagpapadami ng mga lugar na maaaring pagtaniman ng sibuyas.

“We will help by – the DA (Department of Agriculture) will help by providing inputs. So the first part of that is we are going to the seed producers so that they will produce good seed that we can give to the farmers at some point. Iyon ang kanilang gamitin as inputs. And all that what they need,” ani Marcos.

Kamakailan, ipinagpaliban ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapalawig sa pinairal na P250 suggested retail price (SRP) sa kada kilo ng sibuyas bunsod ng inaasahang pagbababa na ng presyo nito dahil harvest season na.

Ayon sa kagawaran , bababa na sa P100 hanggang P150 ang kada kilo ng sibuyas dahl na din sa pagdating sa bansa ng 5,000 metric tons (MT) ng imported onions.

Sa pulong sa Malakanyang, binanggit ng pangulo ang kakulangan ng cold chain facilities sa bansa na isa din aniya kaya naaapektuhan ang suplay at presyo ng  sibuyas,

“We need more cold storage, we need a better, stronger cold chain para ma-maintain naman natin, ma-preserve naman natin ‘yung agricultural products,” dagdag ng pangulo.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang onion production sa bansa noong third quarter ng 2022 ay 23.30 MT na 1.7 percent na mas mataas kumpara sa 22.92 MT output sa parehong quarter ng 2021.

Batay din sa 2022 supply and demand outlook data ng DA, ang bansa ay mayroong 120 percent sufficiency level sa pagkakaroon ng 312,830 MT ng sibuyas.

Ang per capita consumption ng sibuyas sa bansa ay 2.341 kg kada taon at ang estimated demand ay 21,000 MT kada buwan.

TAGS: magsasaka, produksyon, sibuyas, magsasaka, produksyon, sibuyas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.