Bersyon sa Senado ng Maharlika Fund bill inihain ni Sen. Mark Villar

By Jan Escosio January 24, 2023 - 11:55 AM

Photo credit: Sen. Mark Villar/Facebook
May counterpart bill na sa Senado ang House Bill No. 6608, ang panukala para sa pagsisimula ng Maharlika Invetsment Fund (MIF).   Inihain ni Sen. Mark Villar ang Senate Bill No. 1670 at tinukoy nito ang mga maaring mapaghugutan ng kinakailangang pasimulang pondo.   Tinukoy niya ang Land Bank of the Phils., Development Bank of the Phils., mula sa mga devidendo ng Bangko Sentral ng Pilipinas at iba pa.   “This can be attained by enacting a law that will be a powerful tool for sustaining high-impact infrastructure projects, urban and rural development, agricultural support and other initiatives that would increase income and economic activity in the Philippines,” pagpupunto ng baguhang senador.
  Kabilang si Villar sa mga sumama sa biyahe ni Pangulong Marcos Jr., sa Switzerland para sa World Economic Forum (WEF).   Sa WEF ibinida na ni Pangulong Marcos Jr., ang Maharlika Invetsment Fund (MIF), na aniya ay malaki ang maitutulong sa pagpapasigla ng ekonomiya ng Pilipinas.

TAGS: Maharlika, Mark Villar, news, Radyo Inquirer, Maharlika, Mark Villar, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.