Nakapagtala ang Department of Health ng bagong 1,891 COVID-19 cases sa bansa noong Enero 16 hanggang 21.
Ang bilang ay mababa ng 35 porsiyento base sa naitala sa sinundan na linggo.
Bunga nito, 270 kaso ang daily average number sa nabanggit na anim na araw base na rin sa weekly bulletin na inilabas ng DOH ngayon araw.
Nakapagtala naman ng apat na pasyente na nasa severe o kritikal ang kalagayan.
May 104 naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi at pito ay nangyari noong Enero 9 hanggang 22.
Nabatid na 16.1 porsiyento ng 2,229 intensive care unit beds para sa pasyente ng COVID 19 ang okupado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.