Naniniwala si Senator Sherwin Gatchalian na naloko ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) ng kinuhang third-party audit firm, na dapay ay bumusisi sa kita ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Senate Committee on Ways and Means ukol sa operasyon ng POGOs sa bansa, nadiskubre na P6 bilyon ang kontrata ng Pagcor sa Global ComRCI simula noong 2017.
Walang dumalo sa pagdinig na opisyal ng naturang kompaniya at hindi din ito nagpadala ng abogado,
Nadiskubre na walang opisina ang naturang kompaniya.
Hindi din isinasantabi ni Gatchalian ang posibilidad na kasabwat ng naturang kompaniya ang POGOs o kahit ang Pagcor.
Dagdag pa ng senador maaring kausapin niya si Sen. Francis Tolentino, ang namumuno sa Senate Blue Ribbon Committee, kung ano ang nararapat na gawin sa kanyang natuklasan.
Pagdidiin pa ni Gatchalian hindi babagsak ang ekonomiya ng bansa o malulugi ang mga negosyo na kumikita kahit na itigil na ang operasyon ng POGOs sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.