Higit P2 – P3 kada litro na pagtaas sa mga produktong-petrolyo, inaasahan

By Jan Escosio January 21, 2023 - 03:22 PM

Hindi bababa sa P2 ang madadagdag sa presyo ng kada litro ng kurdo o diesel sa suusunod na linggo.

Maaring P2.30 hanggang P2.50 ang itataas ng presyo ng diesel, samantalang P2.90 hanggang P3.10 naman sa kada litro ng gasolina.

Inaasahan na ang pagtaas ay magiging epektibo simula sa Enero 24,. araw ng Martes hanggang sa katapusan na ng unang buwan ng taon.

Noong nakaraang linggo, nadagdagan na ng P0.95 ang kada litro ng gasolina at P0.50 naman sa diesel.

Ngayon bagong taon, tumaas na ng P3.10 ang kada litro ng gasolina, samantalang P0.20 ang ibinaba ng halaga ng diesel at ang kerosene ay tumaas na ng P0.80, base sa monitoring ng Department of Energy.

 

 

TAGS: diesel, DOE, gasolina, kerosene, diesel, DOE, gasolina, kerosene

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.