NEDA tiwala na lalambot ang inflation ngayon buwan
Katuwiran ni Usec. Rosemarie Edillon lumipas na ang matinding pangangailangan ng mga produkto at serbisyo noong Disyembre.
“‘Yung base effect hindi na rin medyo magiging factor. Hopefully ‘yung domestic supply ay maiayos na rin,” ani Edillon
Sa pagpasok ng bagong taon, iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nakagtala ng makasaysayang 8.1 percent inflation rate noong Disymbre.
Ibinigay na mga pangunahing dahilan ang mataas na presyo ng mga pagkain at ilang pangunahing serbisyo.
Ito ang pinakamataas simula noong Nobyembre 2008.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.