Davos, Switzerland – Nakipagpulong si Pangulong Marcos Jr. kay dating United Kingdom Prime Minister Tony Blair dito.
Gayunman, wala pang ibinigay na impormasyon ang Presidential Communications Office kung ano ang napag-usapan ng dalawa sa sidelines ng World Economic Forum.
Magugunita na una nang nag-usap ang dalawa sa United Nations General Assembly sa New York noong Setyembre.
Pinag-usapan ng dalawa ang peace process sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Nang sumunod na buwan bumisita sa Malakanyang si Blair at muli silang nakapag-usap ni Pangulong Marcos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.