Eroplano na sinasakyan ni Sen. Bong Go naaksidente sa NAIA
Hindi nakalipad ang sinasakyang eroplano ni Senator Christopher Go dahil sa insidente kaninang umaga. Hindi naman nasaktan si Go gayundin ang kasamang mga pasahero nang pumaling sa kanan ang eroplano ng King Air at lumubog sa maputik na bahagi ng gilid ng runway. Aniya nagka-problema sa isa sa mga makina ng eroplano. Pagbabahagi ng senador patungo sila sa Northern Samar para mamahagi ng ayuda sa mga biktima ng pagbaha sa mga bayan ng Mapanas, Catarman at Lavezares. Dagdag pa niya bibisitahin din dapat niya ang bagong tayo na Super Health Center at covered court sa Lavezares, gayundin ang bagong ayos na palengke sa Catarman. Pagbabahagi pa ni Go, pinatuloy naman niya ang distribusyon ng mga ayuda sa pamamagitan ng kanyang field staff.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.