Nadagdagan muli at nasa 29 na ang napa-ulat na namatay bunga ng epekto ng amihan at low pressure area (LPA).
Sa inilabas na ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 15 sa bilang ang kumpirmado, samantalang ang 14 ay bineberipika pa.
Labindalawa naman ang nasugatan o nasaktan, samantalang may apat ang napa-ulat na nawawala.
May 203, 396 indibiduwal ang nananatili pa sa 484 evacuation centers..
May 32 lugar ang nagdeklara na ng state of calamity.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.