Pilipinas iaalok ni Pangulong Marcos Jr., sa mga gobyerno, negosyante sa WEF
By Chona Yu January 16, 2023 - 09:33 PM
Zurich, Switzerland – Ibabahagi ni Pangulong Marcos Jr. ang economic performance ng bansa sa mga global leader at top chief executive officers (CEOs) sa pagdalo nito sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Usec. Carlos Sorreta, kasama ng Pangulo ang kaniyang economic team na binubuo ng government officials at business leaders.
“So the President will be leading our economic team composed of government officials and business leaders and we will present the country’s economic performance which tops growth in the region before an audience of international CEOs,” ani Sorreta.
Sinabi ni Sorreta na ang WEF ang premier forum para sa pagtitipon ng world and business leaders.
“The President goes to Davos at a time when our country and our region is recovering well from past challenges, where projections remain high for economic growth in our country and our region,” dagdag ni Sorreta.
Lalahok din ang pangulo sa high-level dialogue kasama ang iba pang lider kabilang ang presidente ng South Africa, Prime Minister ng Belgium, at presidente European Commission.
Nakatakda ding talakayin ni Pangulong Marcos ang isyu kaugnay sa global nutrition sa dayalogo niya sa stakeholders.
Nakatakda din siyang magkaroon ng business meetings at pulong sa Filipino community.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.