Smuggling itinuro sa importasyon ng sibuyas, asukal
Zurich, Switzerland— Itinuro ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang talamak na smuggling na dahilan kung kaya kapos ang suplay at mataas ang presyo ng sibuyas at asukal sa merkado.
Bago ang kanyang biyahe patungong Switzerland, sinabi ng Pangulo na tali ang kamay ng pamahalaan kung kaya kailangan na mag-angkat ng sibuyas at asukal.
Umabot na sa P700 ang kada kilo ng sibuyas habang naglalaro naman sa P100 ang presyo ng asukal kada kilo.
Bukod sa smuggling, sinabi ng Pangulo na mababa rin ang produksyon ng sibuyas sa bansa.
“Papaano naman hindi tayo kailangan mag-import? Tingnan mo ‘yung production ng Pilipinas, tingnan mo ‘yung demand malayo talaga. Sinubukan natin na makuha lahat ng mga smuggled pero kulang pa rin kasi hindi rin natin nagamit ‘yung smuggled. So talagang we are forced to import. So that’s what they’re doing. But… And then sa sugar ganun din, same thing. We are forced to import but in sugar we did it a slightly different way,” pahayag ng Pangulo.
President Marcos : We are forced now again to import onions. @radyoinqonline pic.twitter.com/8NuEUNTiOS
— chonawarfreak (@chonayu1) January 16, 2023
Sa problema sa asukal, sinabi ng Pangulo na kailangang panatiling ang dalawang buwang buffer sa suplay nito.
“We will maintain from now on in sugar a two-month buffer stock para hindi na magkaroon ng masyadong speculation sa presyo ng sugar. So that people will know hindi tayo magkaka-shortage dahil lagi tayong mayroon two-month na buffer stock which I will maintain. Then, of course, two other sides to this. The smuggling, ‘yun talaga kailangan pa natin ano — kailangan talagang i-solve ‘yun. Masyadong laganap ang smuggling dito sa Pilipinas kahit na ano ini-smuggle eh. So we have to really look into that and we have some very good ideas,” pahayag ng Pangulo.
President Marcos to maintain a two-month buffer stock of sugar. @radyoinqonline pic.twitter.com/3Z6YHDMImJ
— chonawarfreak (@chonayu1) January 16, 2023
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.