PBBM: Hindi haharangin ang mga Pinoy ng Chinese Coast Guard sa WPS

By Chona Yu January 16, 2023 - 09:56 AM

Zurich, Switzerland – Tuloy sa pangingisda ang mga Filipino sa West Philippine Sea, ayon  kay Pangulong Marcos Jr. base sa napagkasunduan nila ni Chinese President Xi Jinping sa katatapos na kanyang state visit sa China kamakailan.

Ayon sa Pangulo, nagkasundo sila ni Xi na hindi haharangin ng Chinese Coast Guard ang mga Filipinong mangingisda.

“Actually, I don’t know how the word partnership was started to be used. It’s really an agreement that you will — that China will not stop our fishermen from fishing. That’s it. That’s it, very simple. Huwag nila — they will continue to allow our fishermen to fish in the fishing grounds that they have been to, they have used for many generations. That’s it. It’s that simple,” pahayag ng Pangulo.

Bago pa  man bumaba sa puwesto, sinabi ni dating National Security Adviser Clarita Carlos na pinag-aaralan ng  pamahalaan ng Pilipinas ang panukala ng China na magkaroon ng partnership para magkaroon ng fishing villages.

Pero paglilinaw ng Pangulo, hindi partnership kundi kasunduan ng dalawang bansa na hindi harangin ang mga Filipinong mangingisda na pumalaot sa West Philippine Sea.

Matatandaang ilang beses nang nakaranas ng harassment ang mga Filipinong mangingisda sa kamay ng mga Chinese Coast Guard kapag nangingisda sa West Philippine Sea.

TAGS: chinese coast guard, filipino, WPS, chinese coast guard, filipino, WPS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.