Pagbabalik ni Centino sa AFP top post, iwas gulo – Pangulong Marcos Jr
Zurich, Switzerland – Seniority.
Ito ang naging rason ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung kaya ibinablik sa pagiging chief of staff ng Armed Forces of the Philippines si General Andres Centino kapalit ng nag-retirong si Lt General Bartolome Bacarro.
Sa ambush interview sa Pangulo habang patungo sa Switzerland, sinabi nito na kailangang ayusin ang sistema para hindi madismaya ang mga sundalo.
“Kasi nira-rationalize namin ‘yung seniority. Kasi ‘yung — Andy Centino has four stars and Bob Bacarro had three stars. So kailangan natin ayusin kasi magkakagulo doon sa baba,” pahayag ng Pangulo.
“So there were some comments that were made: “Paano ‘yan pag nag-extend-extend kami naman dito sa lower ranks, wala na kaming pag-asa?” dagdag ng Pangulo.
Tiyak aniyang bababa ang morale ng mga sundalo.
“Hindi naman tama ‘yun. So malo-low morale sila. So tiningnan namin, “What do you want us to do?” Nagtanong kami sa military and I said ayusin namin ‘yung seniority and that’s what we’ve done,” pahayag ng Pangulo.
President Marcos on the appointment of AFP chief of staff General Andres Centino: Kasi nira-rationalize namin ang seniority. Kasi yung kay Andy. A centino has 4 stars and Bob Bacarro had 3 stars. So kailangan natin ayusin kasi magkakaguulo doon sa baba. So Malo-low morale sila pic.twitter.com/i2aHzzFfeL
— chonawarfreak (@chonayu1) January 16, 2023
Samantala, ang malawak na karanasan naman ang basehan ng Pangulo para italagang muli sa pagiging kalihim ng Department of National Denfeese si Sec. Carlito Galvez.
“Well, ‘yan isa pa. Very, very experienced and in fact as soon as he took his oath, he was already — he knew already what to do. Nag-command conference na siya. So I think he’ll slide into that position really easily. Yeah, no problem,” pahayag ng Pangulo.
Pinalitan ni Galvez si dating DND OIC Jose Faustino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.