Phone call ni Ukraine President Zelenskyy kay Pangulong Marcos dapat na ayusin muna

By Chona Yu January 12, 2023 - 03:00 PM

 

Hindi nagustuhan ng Department of Foreign Affairs ang hakbang ng Ukraine na idaan pa sa ibang pamahalaan ang pagnanais ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na makausap sa telepono si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Tugon ito ni DFA Undersecretary Carlos Sorreta sa hirit ni Denys Mykhailiuk, Charges d’Affaires of the Embassy of Ukraine sa Malaysia na noong Hunyo 2022 pa nais ng Ukrainian President na makausap si Pangulong Marcos.

Ayon kay Sorreta, kinakailangan na talakayin ng DFA ang naturang usapin sa pamahalaan ng Ukraine.

Sinabi pa ni Sorreta na hindi nagustuhan ng DFA na ipinangalandakan pa sa media ni Mykhailiuk ang naturang usapin.

Hindi aniya magandang diplomatic practice ang ginawa ng opisyal.

Agad namang nilinaw ni Sorreta na maganda naman ang relasyon ng Pilipinas at Ukraine.

Matatandaang binatikos na ni Pangulong Marcos ang Russia sa panggigiyera sa Ukraine.

 

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, Ukraine, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, Ukraine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.