10 katao patay sa pag-ulan dahil sa amihan, LPA

January 11, 2023 - 10:55 AM

NDRRMC FILE PHOTO

Nasawi ang 10 katao sa mga epekto dulot ng low pressure area (LPA) pagpasok ng bagong taon.

Sa impormasyon mula sa Office of Civil Defense, may apat pa ang nasaktan.

Ilan sa mga nakaranas ng epekto ay ang Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao at Bangsamoro Regions.

Naapektuhan ang 69,000 pamilya o 292,000 indibiduwal at 3,200 ang kinailangan na lumikas.

Inilagay na sa state of calamity ang bayan ng Tubod sa Lanao del Norte.

Umabot naman sa P111.7 milyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura, samantalang P153 milyon naman sa mga imprastraktura.

May 487 bahay din ang napinsala at P11.9 milyong halaga ng tulong ang naipamahagi.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.