Saudi Arabia government may hirit sa backpay ng OFWs
Humingi ang pamahalaan ng Saudi Arabia sa Pilipinas ng dagdag na panahon para mabayaran ang sahod ng mga displaced na Overseas Filipino Workers.
Ayon kay Migrant Workers Sec. Susan Ople, isinasapinal pa ng Saudi officials ang biyahe ng Philippine contingent para ayusin ang backpay ng mga hindi nabayarang OFW.
Una nang inako ng pamahalaan ng Saudi Arabia ang pagbabayad sa 10,000 displaced OFW nang magsara ang ilang construction companies noong 2015 at 2-16.
Nalugi ang ilang kompanya sa Saudi Arabia dahil sa epekto ng economic slowdown.
Kabilang sa mga nagsara ang mga kompanyang Saudi OGer, MMG, Bin Laden group at iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.